Friday, July 12, 2019

Pamahiin sa sabong, epektibo nga ba?


Karamihan sa mga sabungero ay naniniwala sa mga pamahiin kapag maglalaban lalo na ang mga matatandang magsasabong.... malamang sa panalo.

“Ilan sa mga pinaniniwalaan ay huwag maglalaban kung may patay sa inyong lugar, at kapag papunta ka sa sabungan nakasalubong ka ng prusisyon ng patay ay dapat na maghagis ka ng barya ayon sa mga matatandang sabungero”.

“Kung may asawa ka at may regla ang misis mo, huwag ka na daw muna magsabong ng manok at sigurado matatalo ang manok mo”.

“Huwag mong isasara ‘yung kulungan na pinanggalingan ng panlaban mong manok kasi babalik pa yan,” paniwala ni Marvin Marcelo, isang beteranong sabungero na taga-Pasay City. “Kapag kinuha mo na ‘yung manok diretso na sa sasakyan huwag na maglingon-lingon pa,”

“Noong una hindi naniniwala ang 42-anyos na si Marcelo sa mga pamahiin subalit nang maranasan niyang magtatalo ay niyakap na nito ang mga pamahiin sa sabong.

“Noong una hindi talaga ako naniniwala, pero nung nagtatalo ako at natataon na may patay sa aming lugar at minsan may nakakasalubong akong karo ng patay,” kuwento ni Marcelo”.
May mga hindi naniniwala sa pamahiin lalo na ang mga bagong mananabong dahil ang katwiran nila ay kung ukol sa talo ay matatalo talaga ang manok mo.
Walang malas o suwerte, sabi nga ni 2018 World Slasher Cup 1 champion January Edition, Patrick ‘Idol’ Antonio, Ang sabong ay hindi suwertihan kapag maganda ang iyong paghahanda at may tiyaga ay malamang sa panalo.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa paniniwalang ito?

No comments:

Post a Comment